Thursday, August 23, 2007

Lumang tugtugin

Noong panahon ni Marcos, nagpatupad siya ng isang batas na bumago sa kasaysayan ng Pilipinas. Isang batas na nagbago sa mga ugali ng mga tao. Isang batas na nagnais na magkaroon ng disiplina ang mga mamamayan. Tinawag niya itong Martial Law. Sa kasalukuyan, pinipilit gayahin ng ating gobyerno ang ginawa ni Marcos noon. Pero, hindi nila ito papangalanang Martial Law tulad ng dati, bagkus, pinaganda naman nila ang pangalan kahit papano. Ito ang Human Security Act o mas kilala bilang HSA.

Sinasabi nila na kung nagkaroon lang agad ng batas na ito, naiwasan sana ang mga pandurukot, pagpupugot ng mga ulo at pagkakaroon ng mga terorista dito sa ating bansa. Pero, bago ang lahat, ano na nga ba ang depinisyon ng terorista ngayon? Ang terorista ay isang tao na nagbibigay takot sa damdamin ng lipunan. Wow, masyado atang malawak ang depinisyon na yan. Paano kung manakot ako ng aking kaibigan pero itoy para sa katuwaan lamang? Pwede na ba akong tawaging isang terorista? Mahirap ata maiwasang ang pagiging isang terorista. Halos lahat na siguro ng tao ay naging terorista na sa isang punto ng kanilang buhay kung ganito kalabo ang depinisyon ng terorismo sa atin.

Kailan ba inaprubahan ng senado ang batas na Human Security Act? Sa botong 16-2, na ang labing anim dito ay sang-ayon, naaprubahan ito noong Pebrero 8,2007. Pinirmahan ito ni GMA noong Marso 6,2007. Kailan naman ba ipinatupad ang batas na Human Security Act? Ipinatupad ito nang matapos ang eleksyon noong Mayo. July 15, 2007 ang eksaktong araw na ito'y napatupad. Bakit parang ang bilis naman yata masyado ng proseso ng pagpapatupad ng batas na ito? Bakit parang pagdating sa ibang batas ay napakabagal yata ng pagpapatupad ng mga ito? Magkakaroon lamang ng mas madaming extra-judicial killings na magaganap dahil dito. Ang mga pagpugot ng ulo? Nangyari na rin yan noon nung panahon ni Marcos. Mukang nauulit muli ang mga pangyayari dati. "History repeats itself" ika nga, gaya din ng sinabi ni L. Eclipse. Kaya ang mga pangayayari ngayon at ang HSA mismo ay masasabi nating lumang tugtugin na nga.

-G.Lo

No comments: