Sunday, August 19, 2007

HSA

Sa korea, ito’y nangyari noong panahon ni dating pangulong jeon du hwan. Siya ang may hawak sa militar at naging makapanyarihan siya doon. Marami ang namaty noon. Pinatay niya ang lahat na nagsabi ng masama sa kanya. Naging violent din ang asawa niya. Pinatay niya ang lahat ng magkamukha sa kanya. Noong una, ipinangako niya na ipagtatanggol ang mga mamamayan sa pamamagitan ng military forces. Pero ang nangyari ay inabuso ang kapanyarihan niya sa mga mamamayan. Dinagdag pa niya na para ito sa mga mamamayan. Ang mga walang kapangyarihan ay ipagtatanggol niya pero hinding-hindi niya ginawa iyon. Lahat ng kapangyarihan ay nagamit sa pagpayaman niya at nagdemanda ng mas malaking kapangyarihan para sa kanya. May mga nakakalungkot na sitwasyon na nangyari. Ang mga lalaki sa korea ay kailangang magtake ng military service ng 3 taon(2 na lang ngayon). Ang mga tao na nasa militar ay napilitang barilin ang mga kapatid o ang kakilala dahil nagrally sila. Kaya naging madugo at mas masakit sa puso ang nangyari noon.

May dalawang grupo na kilala sa pakikipag-away. Mga tao sa kyeongsang do at jeonlado. Pag may eleksyon hanggang ngayon, hindi binoboto ng kyeongsangdo ang representative ng jeonlado. Ganoon din naman sa kabila. Nagkataon na taga-kyeongsangdo si dating pangulong jeon du hwan. Inabuso niya ang militar sa mga jeonlado at pinatay sila kahit walang kasalanan.

Ang hsa tulad ng nabanggit sa artikulong nasa baba na ginawa ni L.Eclipse, walang eksaktong kahulugan at hindi rin natin malaman kung sino talaga ang napaparusahan dito. Ang nangyari sa korea naman ay pagmamalupit ng pangulo at sinabi niya na para ito sa proteksyon ng mga mamamayan dahil ikinukulong din ang mga lasingero pag nasa labas sila sa gabi. 9 pm ang limit para sa mga mamamayan na makalabas sa bahay. Huhuliin ka dahil nakakagulo ka daw sa mga mamamayan na natutulog. Ngunit ginawa niyang ipatrol ang mga militar(ang mga pulis ay nawalan ng kapangyarihan noon) para mahuli niya ang mga taong nag-iinuman at sabay minumura o nagsasabi nang masama tungkol sa pangulo.

Sa tingin ko, sapat na ang pangyayari noong panahon ni marcos at di na kailangan maulit pa dahil natutuo naman ang mga tao noon at lalong mapapanik ang mga tao. Ang hsa mismo ay nagteterror sa mga tao dahil may mga tao dyan sa tabi natin na natatakot sa pamamaril ng mga militar para lang mapatahimik ang mga taong nagrarally. Sa korea ngayon, nagiging barrier lang ang mga militar sa pagitan ng mga taong nagrarally at sa mga taong pinag-aawayan nila. Bawal silang pumalag kahit binabato sila ng anumang bagay. Ang pinayagan sa kanila ay pagbomba ng tubig sa mga tao pero iyon lamang ay para sa mga violent lamang.


- J.Lee


No comments: