Sunday, August 19, 2007

HSA, ang bagong candy ng bayan.

Marahil ay narinig ninyo na ang naturang batas sa mga balibalita; o habang binabagtas ang Mediola at bigla na lang tumigil dahil sobrang traffic. Marami na ang nakakakita sa batas na naturang “Sugar-coated Martial law” ayon kay sir VJ. Patuloy ka pa rin bang mag-bubulagbulagan. Paano naging sugar-coated martial law ang naturang batas? Sugar-coated? Masarap sa tingin. Ito ay mayroong madaming palamuti habang kinakain. Ngunit sa pag-nguya sa naturang kagandahan sa panangin, matutukoy mo ang kapaklaan ng lasa ng pagkain. Ito ang Human Security Act.

“Kung may batas lamang na ganito sa ating bansa, Hindi sana madudukot ang mga nasa Dos Palmas, wala sanang mga pinoy na sundalong pupugatan ng ulo, wala sanang mga terorista”

Hindi man exacto, Ito ang mga wikang galing mismo sa utak daw ng lipunan. Kung susuriin natin, bakit nga ba nag-aaklas ang mga MILF? Dahil ito sa gobyerno. Sila ay mga counterpart ng HUKBALAHAP noong mga unang panahon. Sa ganitong line of thinking, mga liberal na taong nakikita ang kamalian sa nasa itaas, paano nila gagawin ang nasabing pag-pugot ng ulo?
Maaring display of power o isang halimbawa lang ang gusto nila gawin para mapansin ng gobyerno. Ngunit kung titignan ninyo maigi, kailan ba naganap ang mga pagpatay? May mga ipapakita akong isang article mula sa http://www.iht.com/articles/2007/07/11/asia/phils.2-93296.php

“Major General Ben Mohammad Dolorfino suggested that the marines had been beheaded by Abu Sayyaf in retaliation for the slaying of the son of one of the group's leaders. "They got angry, that's why they decapitated the marines," Dolorfino said.

-Sinasabi ni Dolorfino na nagalit ang mga Abu Sayaff kaya pinatay ang mga Marino?!

However, leaders of another group, the Moro Islamic Liberation Front, said it was its own fighters who had fought with the marines and killed 23 of them. But the front's spokesman, Abu Majid, denied the front's fighters had beheaded the marines. He said this was done by "unidentified groups" after the fighting, and that the front planned to investigate. He said four rebels had been killed and seven wounded.

-Ano ba talaga? Sabi ng isa, Abu Sayaff daw. Tapos inamin ng MILF na sila ang nakipaglaban sa mga Marino ngunit walang silang pinugutan.

Majid also said the violence could have been avoided had the government troops, who had entered the area in search of a kidnapped Roman Catholic priest from Italy, consulted with the front first. "We have all the mechanism in the cease-fire that allows coordination and to prevent this kind of unfortunate incident," he said.

-Ahh maiiwasan naman pala ang laban...

Sa labanang nangyari, may nakikita ka bang kaduda-duda? Sino nga ba ang nag-papatay? Ang mga MILF ba o ang abu sayaff? O sino nga ba talaga? Mga buwan pagkatapos ma-implementa ang HSA (Human Security Act), nangyari itong karumaldumal na insidenteng ito. Kung ang Gobyerno ang pumatay sa mga marines, ano nga ba ang motibo nila? Isa lang ang naiisip ko; para maging “point of entry” ng HSA para tuwiran daw na labanan ang terrorismo; halos parehas sa pagbobomba sa Plaza Miranda noong panahon ni Marcos.

Kung titignan natin ang impression ni Gloria sa halos lahat ng tao, siya ay popular na popular sa mga extra-judicial killings, corruption, at iba pang political breakthroughs na nagbigay sa kanya ng isang walang integridad na pamahalaan. Siyempre mayroon namang nangyayari mabuti sa bansa kung titignan mo ang bansa mula sa labas.

Dayuhan: Wow! P. Gloria is great! After a long while, the peso has been at its highest price.

Pilipino: Lumalakas ang purchasing power ng bansa? Eh! Bakit hindi bumaba ang presyo ng mga bilihin?

Ang magandang pangitain sa ibang bansa; ang pangit na manipestasyon ng ating kinalalagyan. Sa ganitong paraan, paano mo malalaman na nagsasabi ng totoo ang pamahalaan. Maari sigurong nakuha natin ito sa mga nanakop sa atin. Ika-nga ni Rizal (sa isang english translation ng libro ng el filibusterismo, hindi exactong pahayag) :

“Why give them freedom, if they will be the tyrants of tomorrow? Because those who submits to tyranny, loves it”

Kuhang-kuha ni Rizal ang pahayag. Mabalik tayo, hindi natin maiwasan isipan ng masama ang kanyang rehimen. Ang HSA, dagdag ng mga patago pang extra-judicial killings, ay magbibigay daan sa isang legal na pagdadampot ng mga tao para pahirapan, usigin, at ,sa kasukdulan, patayin. Binigyan pa ng time limit na 48 hours, taliwas sa nakatakdang 24 hours, para ma-idetain ang isang tao sa kulungan, sapat na oras para magawan ng mga kaso na isasampa para mawalan ng babayarang multa para sa maling paghuli; o para mawala ka na sa mundo.

Paano nga ba magagamit ni Gloria ang batas na ito? Magagamit nila ito sa kanilang advantage gamit ang definition ng terrorismo.

“Any person who commits an act thereby sowing and creating a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace, in order to coerce the government to give in to an unlawful demand.”

Malabo ang nais iparating ng batas na ito. Paano kung ikaw ay clostrophobic at nagsisisigaw ka sa isang elevator at nagdulot ka ng takot sa mga iba mo pang kasama sa elevator? Matatawag ka bang terorista? Kung matatawag kang terorista sa ganoong gawain, hindi ba’y napakadali maging terorista?

Ika-nga ng isang gasgas na linya, history repeats itself. Ngayon ay nakikita na natin ang mga senyales. Gaano tayo ka sigurado na mangyayari ang buong pangyayari sa pag-ulit ng isang parte ng historyang ito? Isa lang ang masasabi ko, para maiwasan ang pag-ulit ng karimarimarim na buong pangyayari. Kaya tayo nakakakita ay para ipamahagi ang ating mga nakikita. Kung marami lamang sana ang nagpapamahagi ng kanialang nalalaman; nagtatanong sa mga nangyayari-yari; at nagbibigay imik sa mga isyu; maari natin mabago ang mundong ating ginagalawan.

-L. Eclipse

1 comment:

Anonymous said...

Just want to say what a great blog you got here!
I've been around for quite a lot of time, but finally decided to show my appreciation of your work!

Thumbs up, and keep it going!

Cheers
Christian, iwspo.net