Friday, August 17, 2007

HUMAN SECURITY ACT – para sa bayan o para sa namumuno?


Ang mga namumuno ay gumagawa at nagpapatupad ng batas para sa kanilang mga nasasakupan – sa kapakanan at kaligatasan ng mga ito. Iyan ang alam ng nakararami, ngunit hindi kaya ang mga namumuno ay may mga sariling intensiyon sa paggawa ng mga batas ng bansa, tulad noong panahon ng pamumuno ni Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas? Hindi nga kaya sa likod ng paggawa ng mga batas ay may nakatagong pansariling mithiin na hindi magugustuhan ng mga mamamayan? Isa nga kaya ang Human Security Act sa mga batas na ito na sa kasalukuyan ay mainit sa mga tao?

Noong nakaraang Hunyo, ilang buwan pagkatapos ng eleksyon, ang pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nagpatupad ng isang batas na tinawag na Human Security Act. Ang batas na ito ay nauukol sa paglaban sa terorismo na nagaganap sa bansa. Ngunit hindi sapat ang impormasyon ng nasabing batas sapagkat hindi maayos na naipaliwanag o nabigyang kahulugan ang terorismo. Samkatuwid, masyadong malawak ang binigay na depinasyon ng terorismo sa batas na maaaring magresulta ng maraming problema sa bansa. Kung ang ginawa ng isang tao ay nagresulta ng pagpapanik ng iba, maari siyang kasuhan ukol dito. Halimbawa, kung ikaw ay nanggulat ng isang tao at siya ay inatake dahil dito maari kang hulihin ng pulisya dahil sa nsabing insidente. Mayroong sinisusnod na patakaran ang mga pulisya kapag ikaw ay nasa ilalim ng isang imbestigasyon tulad ng pagkukulong sa iyo sa loob ng dalawang araw na walang komunikasyon sa ibang tao at pagrerekord ng patago sa lahat ng pakikipag-usap sa telepono ng hinihinalang terorismo tulad ng ginawa kay Cory Aquino. Kung ang hinuli ng isang opisyal ay napatunayan na hindi isang terorismo, siya ay mapaparusahan ng apatnapung taon ng pagkakabilanggo.

Nasabing ang batas ay ginagawa para sa kabutihan at kaligtasan ng bansa. Ang batas na ito ay ginwa upang sugpuin ang lumalaganap na terorismo sa bansa. Ang batas na ito ay magbibigay proteksyon sa mga mamamayan ng Pilipinas. Kung ito ay susundin at tuluyang ipapatupad sa lhat ng dako ng bansa, magiging tahimik ang paligid – kalsada, loob ng jeep, palengke, at iba pa. Sa kabilang dako, mas marami ang nakikita ng tao na ang batas na ito ay makaksam at hindi makakatulong sa bansa. Kasama sa mga tumututol sa batas na Human Security Act ang simbahang Katoliko na nagsasasbing mawawalan ng karapatan ang mga mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin. Sa madaling salita, matatapakan ang kanilang karapatan na maglabas ng kanilang pakiramdam ukol sa bansa. Marami ang nagalit dahil sa batas na ito.

Ang batas ay pinagbotohan noong nakalipas na Pebrero at nagkarron ng labing anim na boto sa labing walong senador. Sina Jamby Madrigal at Mar Roxas ang tanging tumutol dito. Ang mga oposisyon ay mga sinasabing senador na magtatanggol daw sa mga Pilipino ay sumang-ayon dito. Sa aking opinion, hindi sinalang-alang ng mga sumang-ayon na senador ang karapatan ng mga taong magpahayag ng kanilang saloobin at mapraktis nila sarili nilang mga karapatan. Dahil sa nalalapit ang eleksyon ng panahon na sila ay nagbotohon marahil ay may intensyon sila na gamitin itong batas na ito upang makatulong sa kanila upang manalo partikular ang mga nakapanig sa administrasyon. Ngunit dahil sa pagsususpende ng pagpapatupad na ito, hindi ito nagamit noong eleksyon. Hindi nakapagtataka kung ang batas na iyon ay gamitin nila sa eleksyon. Ayon kay Mr. Jason Villanueva, isang manunulat na aming kinapanayaman, sa botohang nangyari patungkol sa Human Security Act ay maaring maging batayan kung sino ay karapat dapt na iboto bilang isang tapat na senador sa bansa.

Ang bansa ay may “undeclaired Martial Law” sabi ng ilang Pilipino. Ang batas na Human Security Act ay ang magpipigil sa mga Pilipino upang sabihin ang kanilang mga saloobin o hinaing sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang mga kilos ng bawat mamamayan ay magiging kontrolado. Ito ang ginamit ng ating pangulo upang maging kontrolado niya ang kilos ng kanyang nasasakupan. Lingid sa kanyang kaalamanan na walang puang ang diktator sa mga Pilipino ukol sa ating kasaysayan noong panahon ng pamumuno ni Marcos. Kaya ang pagiging diktataor niya ay ginagawa niyang patago. Iniingatan din niya ang kaniyang posisyon bilang pangulo. Sa aking palagay. Alam niya sa sarili niya na kung siya ay magdidiklara ng Martial Law, mas mamadaliin lamang niya ang kanyang pagiging pangulo. Akala niya sa paraang ginagawa niya, sa paggawa ng mga batas na kunwari ay mabango at para sa kaligtasan, ay maiisahan niya ang mga Pilipino at magtatagumpay na siya sa kanyang binabalak na unti-unting gawing diktatoryal ang bansa. Masasabi ko na likas na matatalino at may pagmamalasakit ang mga Pilipino at sila ay may pusong nilalaan para sa bayan.

Ang pagpapatupad ng Human Security Act, na mainit nagyon sa pandinig ng madami, ay makakaapekto ng husto sa bansa. Mas marami ang magrarally at masasaktan dahil dito. Marami ang nalalabag na batas ang Human Security Act. Halimbawa ay ang ”pagwiwire tapping” at pagtanggal sa mga karapatan ng tao na magpahayag ng kanilang nararamdaman. Habang ang batas na ito ay tumatagal, mas marami ang nasasaktan na mamamayan ng bansa.

-kate ^^~

No comments: