Nang mga panahon na nagulantang ang buong mundo sa pagputok ng balita na magkasunod na sinalakay ng isang grupo ng mga terorista ang
Bago pa man dumating ang araw ng nasabing pag – atake ng mga terorista sa
Siguro kung merong isang masamang epekto ang pagiging ka – alyansa ng Pilipinas ng Estados Unidos, ito ay ang para sa akin, paglagay ng mga teroristang grupo ng pangalan ng ating bansa sa listahan ng kanilang sasalakayin. Ang istorya ni Gracia Burnham at ng mga pangyayari na nakapalibot sa kanya at kanyang asawa at iba pang mga tao sa Dos Palmas Resort ng mga miyembro ng Abu Sayyaf. Dinukot ang nasabing ginang sa Resort sa
Sa isang dinner na ipinahanda ng Pangulong Gloria Arroyo sa Palacio ng Malacañang, kasabay ng balita na ang nabihag na pari na si Father Bossi ay pinalaya na ng kanyang mga kidnappers, ipinahayag ng pangulo ang kanyang pakiusap sa mga mamamayan na bigyan ng pagkakataon ang Republic Act No. 9372, o mas kilala sa tawag na Human Security Act. “Talk is cheap,it’s the action that counts. On this day, we ask the public to give the Human Security Act (HSA) a chance,” sabi ng presidente. Ipinaliwanag din ng Pangulong Arroyo na papaigtingin ng HSA ang kampanya ng gobyerno laban sa terorismo. Ayon sa pangulo, kung naipasa at naipatupad ang nasabing batas nang mas maaga, maaring hindi nangyari ang pagdukot sa Dos Palmas, hindi nawalan ng asawa si Gracia Burnham, hindi naganap ang Rizal Day Bombing at ang Super Ferry Bombing, at higit sa lahat hindi sana nagbuwis ng buhay at napatay ng walang awa ang labing apat na sundalo sa BAsilan dahil hindi sana nadukot si Father Bossi.
Ngunit ano nga ba ang Human Security Act, o ang Republic Act No. 9372, “An Act to Secure the State and Protect our People from Terrorism?” Ayon sa nasabing batas, ang terrorism ay “a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace, in order to coerce the government to give in to an unlawful demand.” Maraming mga grupo ng mga tao, pati na ang Simbahang Katoliko ang hindi sumasang – ayon sa HSA. Ang depinisyon kasi ng terrorism na nakasaad sa batas ay masyadong
Isa pang argumento na itinatapat ng mga grupong tumutuligsa sa HSA ay ang paglabag ng mga probisyon nito sa Human Rights na nakasaad sa ating Konstitusyon. Nakalagay sa HSA na may karapatan ang mga pulis o iba pang mga law enforcers na ilagay sa ilalim ng detention ang isang tao na pinaghihinalaang terorista sa loob ng dalawang araw o 48 na oras kahit walang kasong nakasampa laban sa kanya. Ayon sa konstitusyon, ang isang tao ay hindi maaaring ikulong sa loob ng dalawang oras kung walang kaso ang nakasampa sa kanya. Ayon kay Mr. Vijae, kung ang isang taong hinihinalang isang terorista ay maaaring hanapan ng kaso at pagtaniman ng mga ebidensya laban sa kanya; o mas masama, ang taong ito ay pwedeng patayin dahil siya ay pinagbabawalang makipagkomunikasyon sa kahit anong paraan.
Nilalabag din ng HSA ang “Anti – Wiretapping Law”. Sa HSA, maaaring ilagay sa ilalim ng isang surveillance ang isang taong inaakalang terorista. Pwedeng irekord ang kanyang pag – uusap . . . paglabag sa privacy to communicate. Kapag ang isang tao ay nailagay sa isang surveillance at siya ay kakasuhan ng terorismo, kahit hindi pa napapatunayang “guilty”, ay pagbabawalan na ang taong ito na makalabas sa municipal o lungsod kung saan nakasampa ang kanyang kaso, paglabag ito sa freedom to travel.
Sa katunayan, marami ngang kumokontra sa HSA, kung sa bagay, maging ako rin siguro ay kokontra sa kahit na anong batas na sa halip na ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan ay siya pang tatapak dito.
No comments:
Post a Comment