Thursday, August 23, 2007

Lumang tugtugin

Noong panahon ni Marcos, nagpatupad siya ng isang batas na bumago sa kasaysayan ng Pilipinas. Isang batas na nagbago sa mga ugali ng mga tao. Isang batas na nagnais na magkaroon ng disiplina ang mga mamamayan. Tinawag niya itong Martial Law. Sa kasalukuyan, pinipilit gayahin ng ating gobyerno ang ginawa ni Marcos noon. Pero, hindi nila ito papangalanang Martial Law tulad ng dati, bagkus, pinaganda naman nila ang pangalan kahit papano. Ito ang Human Security Act o mas kilala bilang HSA.

Sinasabi nila na kung nagkaroon lang agad ng batas na ito, naiwasan sana ang mga pandurukot, pagpupugot ng mga ulo at pagkakaroon ng mga terorista dito sa ating bansa. Pero, bago ang lahat, ano na nga ba ang depinisyon ng terorista ngayon? Ang terorista ay isang tao na nagbibigay takot sa damdamin ng lipunan. Wow, masyado atang malawak ang depinisyon na yan. Paano kung manakot ako ng aking kaibigan pero itoy para sa katuwaan lamang? Pwede na ba akong tawaging isang terorista? Mahirap ata maiwasang ang pagiging isang terorista. Halos lahat na siguro ng tao ay naging terorista na sa isang punto ng kanilang buhay kung ganito kalabo ang depinisyon ng terorismo sa atin.

Kailan ba inaprubahan ng senado ang batas na Human Security Act? Sa botong 16-2, na ang labing anim dito ay sang-ayon, naaprubahan ito noong Pebrero 8,2007. Pinirmahan ito ni GMA noong Marso 6,2007. Kailan naman ba ipinatupad ang batas na Human Security Act? Ipinatupad ito nang matapos ang eleksyon noong Mayo. July 15, 2007 ang eksaktong araw na ito'y napatupad. Bakit parang ang bilis naman yata masyado ng proseso ng pagpapatupad ng batas na ito? Bakit parang pagdating sa ibang batas ay napakabagal yata ng pagpapatupad ng mga ito? Magkakaroon lamang ng mas madaming extra-judicial killings na magaganap dahil dito. Ang mga pagpugot ng ulo? Nangyari na rin yan noon nung panahon ni Marcos. Mukang nauulit muli ang mga pangyayari dati. "History repeats itself" ika nga, gaya din ng sinabi ni L. Eclipse. Kaya ang mga pangayayari ngayon at ang HSA mismo ay masasabi nating lumang tugtugin na nga.

-G.Lo

Sunday, August 19, 2007

HSA

Sa korea, ito’y nangyari noong panahon ni dating pangulong jeon du hwan. Siya ang may hawak sa militar at naging makapanyarihan siya doon. Marami ang namaty noon. Pinatay niya ang lahat na nagsabi ng masama sa kanya. Naging violent din ang asawa niya. Pinatay niya ang lahat ng magkamukha sa kanya. Noong una, ipinangako niya na ipagtatanggol ang mga mamamayan sa pamamagitan ng military forces. Pero ang nangyari ay inabuso ang kapanyarihan niya sa mga mamamayan. Dinagdag pa niya na para ito sa mga mamamayan. Ang mga walang kapangyarihan ay ipagtatanggol niya pero hinding-hindi niya ginawa iyon. Lahat ng kapangyarihan ay nagamit sa pagpayaman niya at nagdemanda ng mas malaking kapangyarihan para sa kanya. May mga nakakalungkot na sitwasyon na nangyari. Ang mga lalaki sa korea ay kailangang magtake ng military service ng 3 taon(2 na lang ngayon). Ang mga tao na nasa militar ay napilitang barilin ang mga kapatid o ang kakilala dahil nagrally sila. Kaya naging madugo at mas masakit sa puso ang nangyari noon.

May dalawang grupo na kilala sa pakikipag-away. Mga tao sa kyeongsang do at jeonlado. Pag may eleksyon hanggang ngayon, hindi binoboto ng kyeongsangdo ang representative ng jeonlado. Ganoon din naman sa kabila. Nagkataon na taga-kyeongsangdo si dating pangulong jeon du hwan. Inabuso niya ang militar sa mga jeonlado at pinatay sila kahit walang kasalanan.

Ang hsa tulad ng nabanggit sa artikulong nasa baba na ginawa ni L.Eclipse, walang eksaktong kahulugan at hindi rin natin malaman kung sino talaga ang napaparusahan dito. Ang nangyari sa korea naman ay pagmamalupit ng pangulo at sinabi niya na para ito sa proteksyon ng mga mamamayan dahil ikinukulong din ang mga lasingero pag nasa labas sila sa gabi. 9 pm ang limit para sa mga mamamayan na makalabas sa bahay. Huhuliin ka dahil nakakagulo ka daw sa mga mamamayan na natutulog. Ngunit ginawa niyang ipatrol ang mga militar(ang mga pulis ay nawalan ng kapangyarihan noon) para mahuli niya ang mga taong nag-iinuman at sabay minumura o nagsasabi nang masama tungkol sa pangulo.

Sa tingin ko, sapat na ang pangyayari noong panahon ni marcos at di na kailangan maulit pa dahil natutuo naman ang mga tao noon at lalong mapapanik ang mga tao. Ang hsa mismo ay nagteterror sa mga tao dahil may mga tao dyan sa tabi natin na natatakot sa pamamaril ng mga militar para lang mapatahimik ang mga taong nagrarally. Sa korea ngayon, nagiging barrier lang ang mga militar sa pagitan ng mga taong nagrarally at sa mga taong pinag-aawayan nila. Bawal silang pumalag kahit binabato sila ng anumang bagay. Ang pinayagan sa kanila ay pagbomba ng tubig sa mga tao pero iyon lamang ay para sa mga violent lamang.


- J.Lee


HSA, ang bagong candy ng bayan.

Marahil ay narinig ninyo na ang naturang batas sa mga balibalita; o habang binabagtas ang Mediola at bigla na lang tumigil dahil sobrang traffic. Marami na ang nakakakita sa batas na naturang “Sugar-coated Martial law” ayon kay sir VJ. Patuloy ka pa rin bang mag-bubulagbulagan. Paano naging sugar-coated martial law ang naturang batas? Sugar-coated? Masarap sa tingin. Ito ay mayroong madaming palamuti habang kinakain. Ngunit sa pag-nguya sa naturang kagandahan sa panangin, matutukoy mo ang kapaklaan ng lasa ng pagkain. Ito ang Human Security Act.

“Kung may batas lamang na ganito sa ating bansa, Hindi sana madudukot ang mga nasa Dos Palmas, wala sanang mga pinoy na sundalong pupugatan ng ulo, wala sanang mga terorista”

Hindi man exacto, Ito ang mga wikang galing mismo sa utak daw ng lipunan. Kung susuriin natin, bakit nga ba nag-aaklas ang mga MILF? Dahil ito sa gobyerno. Sila ay mga counterpart ng HUKBALAHAP noong mga unang panahon. Sa ganitong line of thinking, mga liberal na taong nakikita ang kamalian sa nasa itaas, paano nila gagawin ang nasabing pag-pugot ng ulo?
Maaring display of power o isang halimbawa lang ang gusto nila gawin para mapansin ng gobyerno. Ngunit kung titignan ninyo maigi, kailan ba naganap ang mga pagpatay? May mga ipapakita akong isang article mula sa http://www.iht.com/articles/2007/07/11/asia/phils.2-93296.php

“Major General Ben Mohammad Dolorfino suggested that the marines had been beheaded by Abu Sayyaf in retaliation for the slaying of the son of one of the group's leaders. "They got angry, that's why they decapitated the marines," Dolorfino said.

-Sinasabi ni Dolorfino na nagalit ang mga Abu Sayaff kaya pinatay ang mga Marino?!

However, leaders of another group, the Moro Islamic Liberation Front, said it was its own fighters who had fought with the marines and killed 23 of them. But the front's spokesman, Abu Majid, denied the front's fighters had beheaded the marines. He said this was done by "unidentified groups" after the fighting, and that the front planned to investigate. He said four rebels had been killed and seven wounded.

-Ano ba talaga? Sabi ng isa, Abu Sayaff daw. Tapos inamin ng MILF na sila ang nakipaglaban sa mga Marino ngunit walang silang pinugutan.

Majid also said the violence could have been avoided had the government troops, who had entered the area in search of a kidnapped Roman Catholic priest from Italy, consulted with the front first. "We have all the mechanism in the cease-fire that allows coordination and to prevent this kind of unfortunate incident," he said.

-Ahh maiiwasan naman pala ang laban...

Sa labanang nangyari, may nakikita ka bang kaduda-duda? Sino nga ba ang nag-papatay? Ang mga MILF ba o ang abu sayaff? O sino nga ba talaga? Mga buwan pagkatapos ma-implementa ang HSA (Human Security Act), nangyari itong karumaldumal na insidenteng ito. Kung ang Gobyerno ang pumatay sa mga marines, ano nga ba ang motibo nila? Isa lang ang naiisip ko; para maging “point of entry” ng HSA para tuwiran daw na labanan ang terrorismo; halos parehas sa pagbobomba sa Plaza Miranda noong panahon ni Marcos.

Kung titignan natin ang impression ni Gloria sa halos lahat ng tao, siya ay popular na popular sa mga extra-judicial killings, corruption, at iba pang political breakthroughs na nagbigay sa kanya ng isang walang integridad na pamahalaan. Siyempre mayroon namang nangyayari mabuti sa bansa kung titignan mo ang bansa mula sa labas.

Dayuhan: Wow! P. Gloria is great! After a long while, the peso has been at its highest price.

Pilipino: Lumalakas ang purchasing power ng bansa? Eh! Bakit hindi bumaba ang presyo ng mga bilihin?

Ang magandang pangitain sa ibang bansa; ang pangit na manipestasyon ng ating kinalalagyan. Sa ganitong paraan, paano mo malalaman na nagsasabi ng totoo ang pamahalaan. Maari sigurong nakuha natin ito sa mga nanakop sa atin. Ika-nga ni Rizal (sa isang english translation ng libro ng el filibusterismo, hindi exactong pahayag) :

“Why give them freedom, if they will be the tyrants of tomorrow? Because those who submits to tyranny, loves it”

Kuhang-kuha ni Rizal ang pahayag. Mabalik tayo, hindi natin maiwasan isipan ng masama ang kanyang rehimen. Ang HSA, dagdag ng mga patago pang extra-judicial killings, ay magbibigay daan sa isang legal na pagdadampot ng mga tao para pahirapan, usigin, at ,sa kasukdulan, patayin. Binigyan pa ng time limit na 48 hours, taliwas sa nakatakdang 24 hours, para ma-idetain ang isang tao sa kulungan, sapat na oras para magawan ng mga kaso na isasampa para mawalan ng babayarang multa para sa maling paghuli; o para mawala ka na sa mundo.

Paano nga ba magagamit ni Gloria ang batas na ito? Magagamit nila ito sa kanilang advantage gamit ang definition ng terrorismo.

“Any person who commits an act thereby sowing and creating a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace, in order to coerce the government to give in to an unlawful demand.”

Malabo ang nais iparating ng batas na ito. Paano kung ikaw ay clostrophobic at nagsisisigaw ka sa isang elevator at nagdulot ka ng takot sa mga iba mo pang kasama sa elevator? Matatawag ka bang terorista? Kung matatawag kang terorista sa ganoong gawain, hindi ba’y napakadali maging terorista?

Ika-nga ng isang gasgas na linya, history repeats itself. Ngayon ay nakikita na natin ang mga senyales. Gaano tayo ka sigurado na mangyayari ang buong pangyayari sa pag-ulit ng isang parte ng historyang ito? Isa lang ang masasabi ko, para maiwasan ang pag-ulit ng karimarimarim na buong pangyayari. Kaya tayo nakakakita ay para ipamahagi ang ating mga nakikita. Kung marami lamang sana ang nagpapamahagi ng kanialang nalalaman; nagtatanong sa mga nangyayari-yari; at nagbibigay imik sa mga isyu; maari natin mabago ang mundong ating ginagalawan.

-L. Eclipse

Saturday, August 18, 2007

Human Security Act - Ano ito?

Ano nga ba ang Human Security Act? Ito ay dating tinawag na Anti-Terrorism Bill. Inaprubahan ito ng Kamara at Senado noong Pebero 8 sa botong 16-2 pabor sa pagpasa ng batas na ito. Ang dalawang senador na di pumabor ay sina Jamby Madrigal at Mar Roxas. Pinirmahan ito ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Marso 6, 2007 at ipinanukala ito matapos ang eleksyon noong July 15, 2007. Sa pagpanukala nito marami ang tumutol tulad na lang ng simbahan at ang mga iba’t-ibang grupong na ipinagtatanggol ang karapatang pantao.

Hindi pa napipirmahan ang pagpapatupad ng batas, ang gobyerno ay nagpadala ng mga pulis at mga military sa mga probinsya. Ang pahayag ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay upang protektahan ang taong bayan ngunit hindi ito ang nangyari dahil maraming mga tao ang masaker, natortyur, assassinate at hindi naipagtanggol ang sariling karapatan.

Ang Human Security Act ay walang malinaw na deskripsyon. Ito daw ay “ Ang batas na pingangalagaan at proteksyonan ang mga tao laban sa terorismo.” Ngunit ang batas na ito ay hindi pinangangalagaan ang tao sapagkat ito ay lumalabag sa karapatang pantao at ang Bill of Rights ng Konstitusyon ng Pilipinas.ang depinisyon ng terorismo na nakasaad sa batas ay “ Ang terorismo ay isang akto na naghahasik at lumilikha ng kondisyonng malganap at kakaibang takot at pangamba sa populasyon upang pilitin ang gobyerno na bumigay sa isang kahilingang labag sa batas.” Ayon sa aming nakapanayam na si Mr.Vj, kahit sino na sa atin ay pwedeng matawag na ngayong terorista basta ikaw ay nagkapagdulot ng takot at panic sa mga tao. Kahit sa maliliit na bagay lamang. Tulad ng kung nasa jeep ka at bigla kang nabahing at may nagulat at inatake sa puso o kaya naman ay may nakita kang artista at napasigaw ka at nagulat ang mga tao pwede ka ng kasuhan yon ang sinasabi sa HSA. Hindi malinaw ang pagpaliwanag sa depinisyon ng terorismo. Ang makaksabi lamang sa atin ng tunay na depinisyon nito ay ang Malakanyang sa pamamgitan ni Department of Justice Secretary Raul Gonzales.

Isang pang argumento ay tungkol sa “Wiretapping Law “Ito ay lumalabag sa right to privacy ng isang tao. Ang huling pangyayari nito ay yung kay dating Pangulong Cory Aquino na ni wiretape siya sa kanyang tahanan. Lahat ng usapan niya ay nairekord. Sa batas na ito kahit kaninong usapan ay pwedeng pahimasukan at irekord ng mga awtoridad. Sa paggawa nito ang lahat ng kasali rin ay pinaghihinalaang terorista. Ang lahat ng pag-aari ng pinaghihinalaang terorista ay pwede suriin tulad ng deposito sa bangko, accounts at record. Ang extraordinary rendition ay ang payag na dalhin ang pinaghihinalaang terorista sa ibang bansa upang imbestigahan. Sa pagdala sa kanila sa ibang bansa kasama na rito ang hinding magandang pagtrato sa kanila.

Ayon sa pamahalaan, ang mga grupong NPA, CPP, NDF at MILF ay pwedeng matawag na “ kaaway ng estado ” o “ prenteng organisasyong komunista “ kasama rito ang mga legal na organisasyong pangmasa. Kahit sino ay pwede arestuhin at kulungin. Ayon kay Mr. Vj, ang mga mahuhuling tao at masasampahan ng kasong “terorismo” ay inaalisan ng karapatan na magkaroon ng due process.Ang isang taong pinaghihinalaang terorista ay ginagawan ng legal na detensyon lagpas sa 48 oras. Ang mga oras na ito ay sapat na sapat na upang tortyurin o patayin. Sila ay tinatanggalan din ng kaugnayan sa labas,inaalisan sila ng cellphone at kinukumpisa ang mga kayamanan. Nalalabag ang rito ang Sec 18 ,Article 7 na sinasabi na “ Sa panahon ng suspensyon ng prebilehiyo ng writ of habeas corpus, ang sinumang arestado o detenido ay dapat sampahan ng kaso sa loob ng tatlong araw, kund hindi dapat siya palayain.” Ngunit ito ay hindi nasusunod sa HSA. Sinasabi rin na kung nagkamali ng hinala sa isang taon babayaran ito ng 500,000 bawat araw niya sa detensyon kaya kung nagkamali sila ng hinuli pinapatay ang tao o kaya gumgawa ng paraan upang mapatunay siya ang may sala. Kaya ngayon ay maiingat na sila sa paghuli ng tao.

Ngayong panahon, marami ang napapabalitaan ang nawawala o kaya namamatay na mang-uulat. Ang mga taong mag-uulat na nawawala ay halos kritiko ng pamahalaang Arroyo. Ang HSA ay sinasabing gagamitin ng pamahalaan upang ipagpatuloy ang extrajudicial killings, at paglabag ng iba’t- ibang karapatang pantao.

Ang pamahalaan ay nakabuo ng isang grupo na mamahala sa pagpapatupad ng batas na ito. Tungkulin nila na asikasuhin ang pag-aaresto ng pinaghihinalaang terorista. Tinatawag itong Anti-Terrorism Council kinabibilangan ng anim na secretary na sina Executive Secretary Eduardo Ermita, Department of Justice Secretary Raul Gonzales, Security Adviser Norberto Gonzales, Defense Secretary Hermogenes Ebdane at Secretary ng Foreign Affairs na si Alberto Romulo. Sila ang nagsimula ng Oplan Laya 1 and 2, Proclamation 1017, Executive Order 464 at Calibrated Preemptive Response.

Ngayon na alam na natin ang HSA sa tingin niyo ba nakakabuti ito o hindi? Sa aking palagay ito ay hindi nakakabuti sa bansa sapagkat nawawalan na ng kalayaan ang mga tao at nalalabag na ang karapatan nila. Sinasabi na demokrasyang bansa tayo ngunit bakit ngayon parang ito ay isang paraan na palihim na paghahayag ng Martial Law. At sa aking palagay nakakabuti ito sa panig ng pamahalaan sapagkat nakukuha nila ang kapangyarihan upang pamunuan tayo at tanggalan ng karapatan. Pwede na nila gawin ang kanilang gusto gawin sapagkat sila ang may kapangyarihan. Sa pagpapatuloy ng batas na ito marami ang magagalit sa pamahalaan natin.

-mich i.

Martial Law Rally SF 09/29/06

Friday, August 17, 2007

HUMAN SECURITY ACT – para sa bayan o para sa namumuno?


Ang mga namumuno ay gumagawa at nagpapatupad ng batas para sa kanilang mga nasasakupan – sa kapakanan at kaligatasan ng mga ito. Iyan ang alam ng nakararami, ngunit hindi kaya ang mga namumuno ay may mga sariling intensiyon sa paggawa ng mga batas ng bansa, tulad noong panahon ng pamumuno ni Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas? Hindi nga kaya sa likod ng paggawa ng mga batas ay may nakatagong pansariling mithiin na hindi magugustuhan ng mga mamamayan? Isa nga kaya ang Human Security Act sa mga batas na ito na sa kasalukuyan ay mainit sa mga tao?

Noong nakaraang Hunyo, ilang buwan pagkatapos ng eleksyon, ang pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nagpatupad ng isang batas na tinawag na Human Security Act. Ang batas na ito ay nauukol sa paglaban sa terorismo na nagaganap sa bansa. Ngunit hindi sapat ang impormasyon ng nasabing batas sapagkat hindi maayos na naipaliwanag o nabigyang kahulugan ang terorismo. Samkatuwid, masyadong malawak ang binigay na depinasyon ng terorismo sa batas na maaaring magresulta ng maraming problema sa bansa. Kung ang ginawa ng isang tao ay nagresulta ng pagpapanik ng iba, maari siyang kasuhan ukol dito. Halimbawa, kung ikaw ay nanggulat ng isang tao at siya ay inatake dahil dito maari kang hulihin ng pulisya dahil sa nsabing insidente. Mayroong sinisusnod na patakaran ang mga pulisya kapag ikaw ay nasa ilalim ng isang imbestigasyon tulad ng pagkukulong sa iyo sa loob ng dalawang araw na walang komunikasyon sa ibang tao at pagrerekord ng patago sa lahat ng pakikipag-usap sa telepono ng hinihinalang terorismo tulad ng ginawa kay Cory Aquino. Kung ang hinuli ng isang opisyal ay napatunayan na hindi isang terorismo, siya ay mapaparusahan ng apatnapung taon ng pagkakabilanggo.

Nasabing ang batas ay ginagawa para sa kabutihan at kaligtasan ng bansa. Ang batas na ito ay ginwa upang sugpuin ang lumalaganap na terorismo sa bansa. Ang batas na ito ay magbibigay proteksyon sa mga mamamayan ng Pilipinas. Kung ito ay susundin at tuluyang ipapatupad sa lhat ng dako ng bansa, magiging tahimik ang paligid – kalsada, loob ng jeep, palengke, at iba pa. Sa kabilang dako, mas marami ang nakikita ng tao na ang batas na ito ay makaksam at hindi makakatulong sa bansa. Kasama sa mga tumututol sa batas na Human Security Act ang simbahang Katoliko na nagsasasbing mawawalan ng karapatan ang mga mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin. Sa madaling salita, matatapakan ang kanilang karapatan na maglabas ng kanilang pakiramdam ukol sa bansa. Marami ang nagalit dahil sa batas na ito.

Ang batas ay pinagbotohan noong nakalipas na Pebrero at nagkarron ng labing anim na boto sa labing walong senador. Sina Jamby Madrigal at Mar Roxas ang tanging tumutol dito. Ang mga oposisyon ay mga sinasabing senador na magtatanggol daw sa mga Pilipino ay sumang-ayon dito. Sa aking opinion, hindi sinalang-alang ng mga sumang-ayon na senador ang karapatan ng mga taong magpahayag ng kanilang saloobin at mapraktis nila sarili nilang mga karapatan. Dahil sa nalalapit ang eleksyon ng panahon na sila ay nagbotohon marahil ay may intensyon sila na gamitin itong batas na ito upang makatulong sa kanila upang manalo partikular ang mga nakapanig sa administrasyon. Ngunit dahil sa pagsususpende ng pagpapatupad na ito, hindi ito nagamit noong eleksyon. Hindi nakapagtataka kung ang batas na iyon ay gamitin nila sa eleksyon. Ayon kay Mr. Jason Villanueva, isang manunulat na aming kinapanayaman, sa botohang nangyari patungkol sa Human Security Act ay maaring maging batayan kung sino ay karapat dapt na iboto bilang isang tapat na senador sa bansa.

Ang bansa ay may “undeclaired Martial Law” sabi ng ilang Pilipino. Ang batas na Human Security Act ay ang magpipigil sa mga Pilipino upang sabihin ang kanilang mga saloobin o hinaing sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang mga kilos ng bawat mamamayan ay magiging kontrolado. Ito ang ginamit ng ating pangulo upang maging kontrolado niya ang kilos ng kanyang nasasakupan. Lingid sa kanyang kaalamanan na walang puang ang diktator sa mga Pilipino ukol sa ating kasaysayan noong panahon ng pamumuno ni Marcos. Kaya ang pagiging diktataor niya ay ginagawa niyang patago. Iniingatan din niya ang kaniyang posisyon bilang pangulo. Sa aking palagay. Alam niya sa sarili niya na kung siya ay magdidiklara ng Martial Law, mas mamadaliin lamang niya ang kanyang pagiging pangulo. Akala niya sa paraang ginagawa niya, sa paggawa ng mga batas na kunwari ay mabango at para sa kaligtasan, ay maiisahan niya ang mga Pilipino at magtatagumpay na siya sa kanyang binabalak na unti-unting gawing diktatoryal ang bansa. Masasabi ko na likas na matatalino at may pagmamalasakit ang mga Pilipino at sila ay may pusong nilalaan para sa bayan.

Ang pagpapatupad ng Human Security Act, na mainit nagyon sa pandinig ng madami, ay makakaapekto ng husto sa bansa. Mas marami ang magrarally at masasaktan dahil dito. Marami ang nalalabag na batas ang Human Security Act. Halimbawa ay ang ”pagwiwire tapping” at pagtanggal sa mga karapatan ng tao na magpahayag ng kanilang nararamdaman. Habang ang batas na ito ay tumatagal, mas marami ang nasasaktan na mamamayan ng bansa.

-kate ^^~

Thursday, August 16, 2007

Human Security Act

Nang mga panahon na nagulantang ang buong mundo sa pagputok ng balita na magkasunod na sinalakay ng isang grupo ng mga terorista ang World Trade Center at Pentagon sa Estados Unidos, naalala ko pa, ako ay nakaharap sa telebisyon at kumakain ng almusal. Kitang – kita ko kung paano ang isang mukhang ordinaryong eroplano ay binanggat at sinalpok sa itinuturing na “Twin Towers”. Mabilis ang mga pangyayari . . . isang hindi inaasahan ng mga tao doon, maging ng buong mundo. Iyon ang tinawag nilang “9/11 attack”. Akala ng buong mundo ay hanggang doon na lang iyon, ngunit ito lang pala ang simula ng isang mahabang saga.

Bago pa man dumating ang araw ng nasabing pag – atake ng mga terorista sa World Trade Center at Pentagon, may mga “teroristang” gawain ang nangyayari sa ating bansa. Ang pagbomba sa LRT noong December 30, 2000, na kilala sa tawag na “Rizal Day Bombing” ay hinihinalang kagagawan ng Jemaah Islamiya, isang grupo ng mga terorista na konektado sa grupong Taliban.

Siguro kung merong isang masamang epekto ang pagiging ka – alyansa ng Pilipinas ng Estados Unidos, ito ay ang para sa akin, paglagay ng mga teroristang grupo ng pangalan ng ating bansa sa listahan ng kanilang sasalakayin. Ang istorya ni Gracia Burnham at ng mga pangyayari na nakapalibot sa kanya at kanyang asawa at iba pang mga tao sa Dos Palmas Resort ng mga miyembro ng Abu Sayyaf. Dinukot ang nasabing ginang sa Resort sa Palawan noong 2003. Nanatili ang mga dinukot sa kamya ng mga Abu Sayyaf ng ilang mga buwan, ang iba ay pinatay, at ang iba naman ay naging bihag sa susunod pang mga taon. Habang sila ay mga bihag, namatay ang asawa ni Ginang Burnham na si Martin ay isang Filipinang nars na si Deborah Yap. Ang pagbomba sa Super Ferry at ang “Valentine’s Day Bombing” ay gawa din ng grupo ng mga terorista. At ang pinkahuli ay ang pag – kidnap sa isang Italyanong pari na si Father Giancarlo Bossi.

Sa isang dinner na ipinahanda ng Pangulong Gloria Arroyo sa Palacio ng MalacaƱang, kasabay ng balita na ang nabihag na pari na si Father Bossi ay pinalaya na ng kanyang mga kidnappers, ipinahayag ng pangulo ang kanyang pakiusap sa mga mamamayan na bigyan ng pagkakataon ang Republic Act No. 9372, o mas kilala sa tawag na Human Security Act. “Talk is cheap,it’s the action that counts. On this day, we ask the public to give the Human Security Act (HSA) a chance,” sabi ng presidente. Ipinaliwanag din ng Pangulong Arroyo na papaigtingin ng HSA ang kampanya ng gobyerno laban sa terorismo. Ayon sa pangulo, kung naipasa at naipatupad ang nasabing batas nang mas maaga, maaring hindi nangyari ang pagdukot sa Dos Palmas, hindi nawalan ng asawa si Gracia Burnham, hindi naganap ang Rizal Day Bombing at ang Super Ferry Bombing, at higit sa lahat hindi sana nagbuwis ng buhay at napatay ng walang awa ang labing apat na sundalo sa BAsilan dahil hindi sana nadukot si Father Bossi.

Ngunit ano nga ba ang Human Security Act, o ang Republic Act No. 9372, “An Act to Secure the State and Protect our People from Terrorism?” Ayon sa nasabing batas, ang terrorism ay “a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace, in order to coerce the government to give in to an unlawful demand.” Maraming mga grupo ng mga tao, pati na ang Simbahang Katoliko ang hindi sumasang – ayon sa HSA. Ang depinisyon kasi ng terrorism na nakasaad sa batas ay masyadong malabo, hindi klaro at malawak. Ang pagsabi na ang terrorism ay isang kondisyon kung saan nakapagdulot ng takot at panic sa mga tao ay malabo. Sabi ni Mr. Vijae, an gaming ininterbyu, maari ka ng kasuhan ng terorsimo dahil lang sa mga simpleng gawain. Halimbawa, nakasakay ka sa isang dyip at bigla kang bumahing; o hindi naman kaya ay nakita mo ang pinakahinahangaan mon artistang lalaki kaya bigla kang napatili at napasigaw ay maari ka ng sampahan ng kaso dahil pwedeng magkagulo ang mga tao, ayon sa nakasaad sa HSA.

Isa pang argumento na itinatapat ng mga grupong tumutuligsa sa HSA ay ang paglabag ng mga probisyon nito sa Human Rights na nakasaad sa ating Konstitusyon. Nakalagay sa HSA na may karapatan ang mga pulis o iba pang mga law enforcers na ilagay sa ilalim ng detention ang isang tao na pinaghihinalaang terorista sa loob ng dalawang araw o 48 na oras kahit walang kasong nakasampa laban sa kanya. Ayon sa konstitusyon, ang isang tao ay hindi maaaring ikulong sa loob ng dalawang oras kung walang kaso ang nakasampa sa kanya. Ayon kay Mr. Vijae, kung ang isang taong hinihinalang isang terorista ay maaaring hanapan ng kaso at pagtaniman ng mga ebidensya laban sa kanya; o mas masama, ang taong ito ay pwedeng patayin dahil siya ay pinagbabawalang makipagkomunikasyon sa kahit anong paraan.

Nilalabag din ng HSA ang “Anti – Wiretapping Law”. Sa HSA, maaaring ilagay sa ilalim ng isang surveillance ang isang taong inaakalang terorista. Pwedeng irekord ang kanyang pag – uusap . . . paglabag sa privacy to communicate. Kapag ang isang tao ay nailagay sa isang surveillance at siya ay kakasuhan ng terorismo, kahit hindi pa napapatunayang “guilty”, ay pagbabawalan na ang taong ito na makalabas sa municipal o lungsod kung saan nakasampa ang kanyang kaso, paglabag ito sa freedom to travel.

Sa katunayan, marami ngang kumokontra sa HSA, kung sa bagay, maging ako rin siguro ay kokontra sa kahit na anong batas na sa halip na ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan ay siya pang tatapak dito.

-Sarah

Friday, August 10, 2007

Human Security Act? Kaninong kaligtasan...

Marahil narinig niyo na ang nasabing batas. Sa mga hindi pa at walang kamalay-malay sa mundo, maaring tignan ninyo ang website na ito http://www.congress.gov.ph/download/ra_13/RA09372.pdf

Ano ang inyong comment sa batas na ito?

Para ba sa atin? sino nga ba ang makikinabang?

Gusto namin malaman ang inyong paninidigan. Kung maari lamang ay bumoto sa kanang bahagi ng naturang website at magiwan ng comment sa post na ito.

Salamat.